^

Bansa

Death squad ko ‘di pulis, mga gangster – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Death squad ko âdi pulis, mga gangster â Duterte
The Senate Blue Ribbon Committee secretary administers the oath of former President Rodrigo Roa Duterte Monday, Oct. 28, 2024 before he begins his testimony before the subcommittee investigating motu proprio the alleged extra-judicial killings during his administration.
Senate Public Relations and Information Bureau

MANILA, Philippines — Mistulang nag-“laban-bawi” si dating pangulong Duterte matapos aminin na mayroon siyang “death squad” sa Davao na binubuo ng mga gangsters.

Sa pagdinig, tinanong si Duterte nina panel presiding officer at Minority Leader Koko Pimentel at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol sa pagkakaroon ng Davao Death Squad (DDS), na una niyang itinanggi.

Sa kalaunan, inamin ni Duterte na nag-assemble siya ng seven-man hit squad noong siya ay alkalde ng Davao City, at sinabing hindi siya nag-tap ng mga pulis dahil baka mataranta sila kung masuspinde sila para sa mga operasyong kanilang isinasagawa.

“I can make the confession now if you want, talagang niyayari ko, pero ‘wag mo namang (idamay) ang mga pulis, kawawa naman ‘yan. Meron akong death squad, death squad, pito, pero hindi ‘yang mga pulis. Sila rin ‘yong mga gangster. ‘Yong isang gangster uutusan ko. Patayin mo ‘yan; kung hindi mo patayin ‘yan, patayin kita ngayon,” ani Duterte.

Nang tuluyang tanungin ni Pimentel kung ang ibig sabihin ni Duterte ay may death squad siya, sinabi ng dating pangulo na hindi ito ganoon dahil ito aniya ay isang sistema kung saan ang mga agrabyado na indibidwal ay lumapit sa kanya para humingi ng tulong.

““Hindi naman death squad. Basta alam ng tao sa Davao na nandyan ako at magkamali ka at you commit a heinous crime, at walang mapuntahan ‘yong agrabyado,” ani Duterte.

Pinanindigan din ni Duterte na libu-libong tao ang namatay habang siya ay nasa Davao City, na binanggit na mga kriminal lamang ang namatay.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na ilan sa kanyang mga hepe ng PNP ay pinuno ng mga death squad, na sinasabing bahagi ito ng kanilang mga trabaho pero nilinaw din na isang “loose term” ang salitang death squad.

Samantala, dumalo rin sa pagdinig si ­dating Senator Leila de Lima na bagaman at halos magkatabi lamang sila ni Duterte ay hindi naman nakitang nag-usap.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with