2 sabungero pinatay ng kapustahan
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang sabungero nang pagbabarilin sa bisinidad ng isang sabungan sa Brgy. Bagong Sikat, Agoncillo, Batangas nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga nasawing biktima sa mga alyas lamang na Jelo at Jordan. Habang ang suspek ay nakasuot ng kulay itim na t-shirt, maong na short pants, kalbo at tinatayang nasa 5’3 ang taas.
Base sa report, nagkainitan umano si Jordan at hindi kilalang lalaki sa pustahan sa sabungan kung saan ang pagtatalo ng mga ito ay nauwi sa suntukan.
Ilang minuto matapos namang maawat ng mga tao sa lugar ang dalawa ay sinundan ng suspect si Jordan habang paalis sa sabungan saka pinagbabaril ito kung saan nadamay naman sa insidente si Jelo.
Mabilis namang tumakas ang suspect na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.
- Latest