^

Banat Palaro

Hotshots kinuryente ng Bolts sa panabo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots kinuryente ng Bolts sa panabo
Ang two-handed dunk ni Meralco import Allen Durham laban sa Magnolia.
PBA photo

MANILA, Philippines — Sinolo ng Meralco ang liderato sa Group A matapos gibain ang Magnolia, 82-74, sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Panabo Multi-Purpose Tourism, Sports and Cultural Center sa Davao del Norte.

Ipinoste ng Bolts ang ikaapat na dikit na panalo para itaas ang baraha sa 5-1 kasunod ang TNT Tropang Giga na may 4-1 marka habang laglag ang Hotshots sa 3-3.

Hindi nagamit ng Magnolia si balik-import Shabazz Muhammad, naglaro para sa San Miguel noong 2022 at papalitan si Glenn Robinson III, dahil wala pa siyang FIBA clearance.

Ito ang sinamantala ng Meralco para magtayo ng 13-point lead sa fourth quarter bago nakalapit ang Magnolia sa 70-74 mula sa three-pointer ni Aris Dionisio sa 2:13 minuto.

Ang inside basket ni import Allen Durham at spin move ni Bong Quinto kontra kay Paul Lee ang muling naglayo sa Bolts sa 78-70 sa huling 1:20 minuto ng laro.

Mula rito ay hindi na nakadikit muli ang Hotshots.

Samantala, asahan na ang pagresbak ng TNT Tropang Giga sa Converge sa kanilang rematch.

Magtutuos ang Tropang Giga at FiberXers ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng NorthPort Batang Pier at Terrafirma Dyip sa alas-5 ng hapon.

Tinakasan ng Converge ang TNT, 96-95, sa first round tampok ang kauna-unahang game-winning four-point shot ni import Scotty Hopson.

Nagmula ang TNT sa 107-89 panalo sa Terrafirma, habang bigo ang Terrafirma sa dalawang sunod na beses nilang pagharap sa Meralco matapos ang paglusot sa koponan ni coach Chot Reyes.

Sa nasabing paggupo ng Tropang Giga sa Dyip ay humakot si import Rondae Hollis-Jefferson ng 26 points, 11 rebounds at 7 assists sa kabila ng iniindang ankle injury.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with