^

Metro

Bigtime ‘tulak’ timbog sa P4.2 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P4.2 milyong halaga ng shabu ang nakuha mula sa isang bigtime ‘tulak’ at dalawang menor-de-edad na kasabwat nito sa isinagawang  buy-bust operation kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan, dinakip si “Khadapi”, 50, residente ng lungsod habang ang dalawang kasabwat na kapwa estudyante ay  nasa edad 17 at 15.

 Ayon kay Ligan, isinagawa ang anti ilegal drugs operation bandang alas-5:56 ng umaga sa Domato St. Brgy. 188 ng mga tauhan ni PCapt. Regie Pobadora, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU).

Nakumpiska sa suspek ang nasa 625 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P4,250,000 at buy-bust money na isang tunay na P1,000 bill at 24 pirasong P1,000 boodle money.

Bago ang pagkakaaresto sa suspek, nakatanggap na ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni  Khadapi kaya isinailalim sa validation.

Matapos matiyak na positibong nagbebenta ng shabu ang suspek, sinimulan ang buy-bust operation sa pangunguna ni Capt. Pobadora katuwang ang mga tauhan ng SS14 at Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Caloocan police.

Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng Caloocan City.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with