^

Metro

NBI tinabla hiling ni VP Sara na ‘advance questions’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pagbibigyan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hiling ni Vice President Sara Duterte na bigyan siya ng advance questions sa gitna ng isasagawang imbestigasyon sa kanyang kontrobersyal na pahayag sa pagpatay laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni NBI Director Jimmy Santiago nitong Linggo na ang magiging pangunahing katanu­ngan na alam na rin ng Bise Presidente, ay kung sino ang kinontrata na papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang claim nito na may banta sa kaniyang buhay, na bukod dun ay hindi sila magbibigay ng iba pang detalye sa kung ano pa ang mga itatanong.

Muling itinakda sa Disyembre 11 ang pag­harap ni Duterte sa NBI matapos makansela noong Nobyembre 29 dahil sa hindi pagsipot nito.

Ang imbestigasyon ng NBI ay upang pagpaliwanagin sa kaniyang mga pahayag na nag-utos na siya na patayin si Marcos, ang First Lady Liza Ara­neta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung siya ay mapapatay.

Una nang hiniling ni Duterte sa NBI na bigyan siya ng kopya ng complaint at iba pang dokumento kung bakit siya iimbestigahan ng NBI, at padalhan din siya ng listahan ng mga katanungan na itatanong sa kaniya sa araw ng pagharap.

Nagbanta si Santiago na kung ‘di pa lulutang si Duterte sa NBI ay magiging dahilan ito na ma-waive ang karapatan niyang magpaliwanag at mapi­pilitang isulong na ang rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ).

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with