^

Pang Movies

Sikat na ?aktres ginawang pamasak-butas sa bagong pelikula

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pamasak-butas ang isang sikat na aktres sa pelikula niyang gagawin. Hindi pala talaga siya ang first choice sa in-offer na movie sa kanya.

Pareho ng kuwento pero may mga binago lang daw sa istorya nito. Nang sa gayon eh sumakto sa bagong artistang kinuha.

Eh sa dating artista kung ikukumpara sa ipinalit na artista, ‘di hamak na mas malakas ang box-office ang second choice na artista, huh!

Vic at Pauleen nag-pabasa

Happy Easter to all PM (Pang-Masa) readers! Sana’y naging makabuluhan ang katatapos na Mahal na Araw.

Bongga ang ilan sa ating showbiz celebrities na nagtampisaw sa sosyal na resorts sa ibang bansa, nandito lang sa bansa ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa kanilang bahay sa Laguna. Sila ang sponsor ng Pabasa na nagsilbi na ring reunion ng Sotto family.

Nag-post nga si Poleng sa Instagram account niya ng, “Full house!” Maging si Marc Pingris ay naglabas din ng photos sa IG niya.

Ang ilang Eat Bulaga Dabarkads naman ay nasa abroad. Sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros ay nasa New York City para sa last stop ng kanilang KS sa US (Kalye Serye sa US).

Back to work na bukas ang Bulaga pati na ang ibang programa.

Sharon seryoso sa pelikula

Hindi pa nganga si Sharon Cuneta sa paggawa ng movie niya sa Star Cinema kahit na nga ibinasura na ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion.

Sa isang post sa Facebook ni Sharon, walang detalye pero inihayag niyang tuloy pa rin ang project niya sa film outfit. Pero dama sa mensahe niya ang kaligayahan dahil hindi siya binigo ng film outfit.

Bukod sa Star Cinema project, tuloy pa rin ang paglabas ni Shawie sa Cinemalaya 2017. Malapit na niyang simulan ang indie film niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

So after Nora Aunor, Judy Ann Santos, Vilma Santos-Recto, now comes the Mega­star Sharon Cuneta for Cinemalaya 2017!

Maine naaliw sa pamamasyal sa US

Speaking of KS sa US-New York, tuwang-tuwang nag-tweet si Maine Mendoza after ng successful show nila sa Kings Theater sa Brooklyn, NY.

Mahaba na ang pila sa labas ng venue na pinost ng ilang netizens. Pero bago ang show, nagliwaliw ang phenomenal star sa iba’t ibang scenic spots sa Big Apple.

Pasasalamat ni Meng, “We made it! Congratulations Team KS! Salamat sa Dabarkadas natin sa LA at NY. Sanay nagustuhan niyo ang aming munting palabas.”

First time ni Maine na mag-show sa abroad kasama si Alden. Kahit bagito, pasado naman ang production numbers niya sa Team Amerika ng AlDub Nation, huh!

Back to Destined To Be Yours taping sina Alden at Maine bukas.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with