^

PSN Palaro

Yulo binuhat ang kampanya ng Pilipinas sa taong 2024

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo binuhat ang kampanya ng Pilipinas sa taong 2024
Carlos Yulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Walang duda na ang 2024 ay isa sa pinakama­tagumpay na taon para sa Philippine sports.

Ito ay matapos kumana ang Pilipinas ng tumatagin­ting na dalawang ginto at dalawang tansong medalya sa 2024 Olympic Games na ginanap sa Paris, France.

PInakamaningning sa lahat si Carlos Edriel Yulo na bumanat ng dalawang gintong medalya sa men’s artistic gymnastics competition.

Unang pinagharian ni Yulo ang men’s floor exercise matapos makalikom ng 15.000 puntos mula sa 6.600 difficulty at 8.400 execution.

Tinalo ni Yulo sina silver medalist Artem Dolgopyat ng Israel at Filipino-British Jake Jarman ng Great Britain na nagkasya sa tansong medalya.

Sinundan ito ni Yulo ng isa pang gintong medalya sa men’s vault kung saan nagrehistro ito ng impresibong 15.116 puntos para masiguro ang ikalawang gintong me­dalya ng Team Philippines sa Paris Games.

Maliban sa dalawang gintong medalya ng Pilipinas, umani rin ng tig-isang tansong medalya sina boxers Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio (women’s featherweight) at Aira Villegas (women’s flyweight).

Dahil dito ay may tatlong gintong medalya na ang Pilipinas sa Olympic Games — una na ang ginto ni Hidilyn Diaz sa weightlifting competition noong 2020 Tokyo Olympics.

Umuwi si Yulo bitbit ang dalawang gintong medalya.

Subalit mas lalo pa itong kumislap matapos bumuhos ang kaliwa’t kanang insentibo mula sa gobyerno at sa ilang pribadong sektor.

Mahigit P100 milyong cash prize, bahay, condo, sasakyan at iba pa ang natanggap ni Yulo.

Nangunguna sa listahan ang P20 milyong nakuha nito na nakasaad sa Republic Act 10699 kung saan ang kada isang gintong medalya ang may katapat na P10 milyong insentibo.

Dinoble pa ito ng Office of the President.

Isang magarbong condo unit din ang ibinigay kay Yulo na nagkakahalaga ng lampas P30 milyon na kasaluku­yang tinitirahan nito sa BGC sa Taguig City.

Bukod pa rito ang mga kinita ni Yulo sa bumuhos na mga endorsements, tv appearances at guestings.

Sa kabila ng tagumpay, ilang isyu ang lumabas patungkol sa problema nito sa kaniyang pamilya.

Natabunan ang ningning ng kaliwa’t kanang isyu dahilan para batuhin ito ng masasamang salita mula sa ilang bashers.

Naglabas ng statement si Yulo kasama ang kasintahan nitong si Chloe San Jose.

Matapos nito ay mas minabuti na ni Yulo na tumahimik at at dedmahin na lamang ang mga bashers.

Target ni Yulo na madepensahan ang kaniyang ti­tulo sa 2028 Olympics na gaganapin sa Los Angeles, California.

YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with