^

PM Sports

Arana itinakas ang Converge sa Magnolia

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinalpak ni Justin Arana ang game-winning lay-up upang trangkuhan sa pambihirang comeback win, 93-91, ang Converge kontra sa Magnolia sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Tinunaw ng Fiberxers ang 20-puntos na deficit ng Hotshots sa third quarter para umakyat sa ikalawang puwesto ng 12-team tourney sa likod ng wala pang galos na guest team Hong Kong Eastern.

HK Eastern lang pa lang ang tumalo sa pinalakas na Converge, 117-106, kamakalawa sa parehong venue.

Nagtapos sa 24 puntos at 7 rebounds si Arana na tinuldukan ng go-ahead basket sa huling limang segundo mula sa assist ni Alec Stockton, na kumamada ng halos triple-double na 18 puntos, 7 rebounds at 10 assists.

Nag-ambag din ng 10 puntos si Kevin Racal habang may tig-8 puntos sina Jordan Heading at Bryan Santos para sa balanseng opensa ng mga bataan ni coach Franco Atienza.

Naging sapat ito upang mapunan ang maalat na laro ni import Check Diallo na nagkasya lang sa 10 puntos bagamat may 16 rebounds, 1 assist at 1 tapal.

Matapos ang talo sa kontra sa HK, masagwa ulit ang naging simula ng Converge nang maiwan agad sa 15-point deficit sa halftime bago hayaan itong lumobo sa 45-65 matapos ang basket ni Zav Lucero para sa Hotshots.

Subalit unti-unti itong tinapyas ng FiberXers hanggang sa makalapit sa 85-91 sa huling dalawang minuto sakay ng bucket ni Stockton.

Nakabawi si Diallo upang ilapit sa 88-91 matapos ang and-one bago maitabla ni Stockton ang laban sa tres at mahanap si Arana sa game-winner sa ilalim.

Sablay ang game-winning trey na subok ni Jerrick Ahanmisi para sa masaklap na kabiguan ng Magnolia tungo sa 1-1 kartada.

Nauwi sa wala ang 25 puntos, 19 rebound, 3 assists, 1 steal at 3 tapal ni Ricardo Ratliffe pati na ang 14 puntos ni rookie Jerom Lastimosa.

Kapos din ang tig-12 puntos nina Ian Sangalang at Ahanmisi pati na ang tig-10 puntos nina Paul Lee at Lucero para sa Hotshots na unang tinalo ang Blackwater, 118-100.

 

PBA GOVERNORS’ CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with