Taguinota bemedalled athlete ng Batang Pinoy
PUERTO PRINCESA, Philippines — Hinirang si swimmer Arvin Naeem Taguinota II bilang most bemedalled athlete ng 16th Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.
Sinisid ng Pasig City tanker ang kanyang ikaanim na gold medal sa boys’ 12-13-year-old 4x50-meter medley relay kasama sina Charles Ezekiel Canlas, Jefferson Saburlase at Marcelino Picardal III sa bilis na 2:03.69.
Ang iba pang events na pinagwagian ng Grade 8 student ng British International School sa Phuket, Thailand ay ang 4x50 LC meter freestyle team relay (1:47.44 1), 200m backstroke (2:19.88), 200m individual medley (2:22.02), 100m freestyle (57.92) at 100m backstroke (1:04.30).
Muli namang nagtala ng bagong Batang Pinoy record si Albert Jose Amaro II ng Naga City sa kanyang itinalang 1:57.04 sa boys’ 16-17 200m freestyle.
Binura niya ang 1:59.94 ni Paolo Miguel Labanon ng Davao City noong 2023 edition.
Lumangoy din ng bagong BP mark sina Arabella Nadeen Taguinota ng Pasig City sa girls’ 16-17 50m breaststroke (34.67) at Jaime Ulandorr Maniago ng Quezon City sa boys’ 16-17 50m breaststroke (30.50).
Samantala, inangkin ng Pasig City ang overall championship matapos humakot ng 83 gold, 49 silver at 88 bronze medals.
- Latest