Romnick, naaawa sa mga bina-bash na Gen Z
Excited si Romnick Sarmenta na makatrabaho ang henerasyon ng young stars ngayon ng GMA 7. “Kasi kaedad nila ‘yung mga anak ko. It gives me an insight into how I can better understand my own children,” pagbabahagi ni Romnick sa isang panayam.
Tampok nga ng exciting blend ng teen drama at musical elements, inihahandog ng GMA Public Affairs ang MAKA – ang pinakabagong youth-oriented series ng Kapuso Network.
Magsisimula ito ngayong Sept. 21 at mapapanood tuwing Sabado, sa ganap na 4:45 p.m.
Bibida sa MAKA ang mga Gen Z actor, kabilang ang Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, kasama ang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, Chanty Videla mula sa K-Pop group na Lapillus, at May Ann Basa na kilala rin bilang Bangus Girl.
Dagdag pa ni Romnick : “It gives me the opportunity to learn more about their generation and their individual stories. Hopefully, I can share some of my own experiences that might be helpful to them.”
Pero aniya, ibang-iba na noon at ngayon. “Wala kaming social media noon. We were not open to baseless comments. Ito sinasabi ko sa lahat, na itong mga batang ito, masyado silang susceptible sa mga basher, sa negative comments. At gustuhin man natin o hindi, it affects them. And that’s the sad part, because…I’m not trying to sound irreverent or something,” aniya sa ginanap na presscon ng MAKA (pangalan ng eskuwelahan).
Dagdag niya : “Pero noong panahon namin, people are brave enough to come to our face and say they don’t like us, and I appreciate that, kasi alam mo ang ginagawa mo, kung ano ang sinasabi mo sa akin, at hindi ka natatakot. “So, that’s really your opinion, and I can respect that. Pero ‘yung ngayon, sa social media, may mga nagko-comment, para lang may masabi. And they bash people they don’t know anything about, na hindi pa nila nakikilala, and it affects them. Ako as a parent, I hate it, at naawa ako sa mga anak ko kapag nakakatanggap sila ng mga ganun.
“Especially now na may mga batang nala-love team. Ako, ang dami kong nakapareha. The longest one was Sheryl Cruz. Si Sharmaine (Arnaiz) was a witnessed, na kapag merong napapalapit sa akin na ibang babae, inaaway ng fans namin ni Sheryl. At isa na siya roon! Eh ngayon, walang mukha, walang pangalan ang mamba-bash o mang-aaway sa iyo, kaya paano mo babalikan?” kuwento ni Romnick patungkol sa kaibahan noon ng mga batang artista sa ngayon.
Kasama ni Romnick ang kapwa alumni ng That’s Entertainment na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa.
Sa direksyon ng best-selling author na si Rod Marmol, ang serye ay nagpapatuloy sa tradisyon ng GMA sa paggawa ng mga youth-oriented programming tulad ng mga iconic na palabas tulad ng T.G.I.S. at Click.
- Latest