^

Balita Ngayon

Mag-asawang Cayetano sinampahan ng graft, plunder

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang law professor ang nagsampa ng reklamong pandarambong laban kay Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano at sa asawa niyang si Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Dala ni Roderick Vera, pinuno ng grupo ng mga abogado na Philippine Association for the Advocacy of Civil Liberties, ang ilang papeles para suportahan ang kanyang reklamo sa Office of the Ombudsman ngayong Miyerkules.

Inakusahan ni Vera ang mag-asawang Cayetano ng pagbili ng 18 na “overpriced” na mga mutlicab na umanoy nagkakahalagang $11,381 kada isa. Sa pagbili ng mga nasabing multicab, ginamit umano ng mag-asawa ang P9 million na Priority Development Assistance Funds or pork barrel ng senador noong 2012.

Hinaharap naman ni Lani Cayetano ang isang plunder complaint na nag-ugat sa kanyang umanoy pagkuha ng libu-libong ghost employees sa Taguig.

Binaggit din ni Vera ang ulat ng Commission on Audit na nagsaad na lumaki ang yaman ng mag-asawang Cayetano nitong mga nakaraang taon sa hindi maipaliwanag na dahilan.

ADVOCACY OF CIVIL LIBERTIES

CAYETANO

CITY MAYOR

LANI CAYETANO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE ASSOCIATION

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUNDS

RODERICK VERA

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER ALAN PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with