Walang bagyo hanggang New Year - PAGASA
MANILA, Philippines – Walang inaasahang papasok na bagyo sa Pilipinas hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala silang namataang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa Disyembre 31.
Naunang sinabi ng PAGASA na tinatayang dalawang bagyo ang papasok sa PAR ngayong Disyembre.
Makakaasa ang Pilipinas na magiging maganda ang panahon ngunit may pulo-pulong pag-ulan sa bang bahagi ng bansa.
Sinabi ng PAGASA sa kanilang advisory na magdadala ng pag-ulan ang tail-end ng coldfront sa Bicol Region, habang maaapektuhan din ng hanging Amihan ang Hilagang Luzon.
Makararanas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Bicol Region, Mimaropa at Western Visayas, habang mahinang pag-ulan lamang sa Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera.
Magiging bahagyang maulap ang kalangitan ng Metro Manila na may pulo-pulong pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.
- Latest
- Trending