^

Balita Ngayon

Kelot putol ang kamay sa 'Super Yolanda'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang binatilyo ang naputulan ng kamay matapos gumamit ng malakas na paputok na tinatawag na "Super Yolanda."

Sinabi ni DOH Assistant Sec. Eric Tayag ngayong Biyernes sa kanyang Twitter account na lumobo na rin ang bilang ng mga nasaktan dahil sa paggamit ng mga paputok ilang araw bago ang bagong taon.

Bukod sa naputulan ng kamay, isang limang taong gulang ang naputulan ng hintuturo dahil sa paggamit ng “Camara” o isang maliit na dinamita.

Umabot na sa 134 ang firework-related injuries, isa dito ay nakalunok ng paputok at lima ang biktima ng ligaw na bala.

Mula sa naturang bilang ay 82 ang biktima ng paggamit ng ipinagbabawal na paputok na “Piccolo.”

Kahit patuloy ang paalaalang huwag gumamit ng paputok, mas mababa pa rin naman ang bilang ng mga nasaktan ngayon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na 146.

Kahapon ay sinabi ni DOH Sec. Enrique Ona na ilan sa mga nasaktan ay passive users o hindi talaga gumamit ng paputok at tinamaan lamang.

“Many of them are just watching those using fireworks but still get injured and it’s saddening,” banggit ng kalihim.

ASSISTANT SEC

BIYERNES

BLOCKQUOTE

DOC ERIC TAYAG

ENRIQUE ONA

ERIC TAYAG

SUPER YOLANDA

TWITTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with