Mayweather muling hiniritan si Pacquiao sa social media
MANILA, Philippines – Muli na namang nang-asar ang American boxer Floyd Mayweather Jr. gamit ang social media at ang paborito nitong target ay si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.
Naglabas ulit ng larawan ang wala pang talong si Mayweather Jr., kung saan kitang tumama ang kanyang suntok sa mukha ni Pacquiao.
Ibinida rin ni Mayweather ang kanyang 45-0 record at sinabing “hard work at dedication†ang kanyang naging susi.
Binanggit din ng Amerikano na walang dahilan upang labanan niya si Pacquiao dahil pinadapa naman ito nina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley na kapwa niyang biniktima.
Ngunit humirit din siya ng tungkol sa International Revenue Systems ng United States kung saan umano’y may utang ang Sarangani Representative bukod pa sa Bureau of Internal Revenue.
“Juan Marquez ate Timothy Bradley’s leftovers… Now you’re telling me I got to eat Juan Marquez’s leftovers? Let me talk to the IRS about this,†pasaring ni Mayweather.
… Now you’re telling me I got to eat Juan Marquez’s leftovers? Let me talk to the IRS about this… pic.twitter.com/Tmf9oqTbFP
— Floyd Mayweather (@FloydMayweather) December 26, 2013
Una nang naglabas ng “Christmas card†si Mayweather kung saan sinabi niyang sinayang ni Pacquiao ang pagkakataong labanan siya.
Pinakita rin dito ang larawan ni Pacquiao na bumagsak matapos ma-knockout ni Marquez noong 2012.
“This is my Christmas card to the world... Happy Sleepy Holidays zzzzzzzzzzzz,†banat ni Mayweather.
This is my Christmas card to the world... Happy Sleepy Holidays zzzzzzzzzzzz pic.twitter.com/ynxAJiJmyS
— Floyd Mayweather (@FloydMayweather) December 23, 2013
Ilang beses nang sinusubukang maituloy ang sinasabing isa sa pinakamatinding laban na magaganap sa kasaysayan ng boksing, ngunit hindi maubusan ng rason si Mayweather upang tanggihan ang laban.
Siniraan ni Mayweather noon si Pacquiao na gumagamit ng performance enhancing drug kaya ayaw niya itong labanan. Dahil dito ay kinasuhan ni Pacquiao si Mayweather ng paninirang puri.
Nais ng Amerikanong magkaroon ng drug test bago ang laban at kalaunan ay pumayag si Pacquiao.
Hindi rin nagkasundo sa hatian ng kita, ngunit sa huli ay pumayag ang Pinoy boxer na mas mataas ang sa kalaban.
Hanggang ngayon ay umaasa ang boxing community na maitutuloy na ang bakbakan upang malaman kung sino ba talaga ang pinakamagaling.
- Latest
- Trending