^

Balita Ngayon

PNoy hindi sisibakin si Energy Sec Petilla

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang balak sibakin ni Pangulong Benigno Aquino III si Energy Secretary Carlos Jericho Petilla sa kabila ng kawalan pa rin ng kuryente sa ilang barangay sa Eastern Visayas na hinagupit ng bagyong Yolanda.

Ayon sa isang ulat sa telebisyon, higit 2,600 pang barangay ang wala pa ring kuryente, kung saan hindi natupad ni Petilla ang binitawang pangako noong Nobyembre na maibabalik ang supply ng kuryente bago ang Pasko.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na malaking parte naman ng mga winasak na lugar ni Yolanda ay may kuryente na kaya naman hindi na inungkat pa ni Aquino ang hamon ni Petilla na magbibitiw kung hindi maibabalik ang kuryente.

Noong kamakalawa ay sinabi ni Petilla na “on track” sila sa kanilang target na maibalik ang supply ng kuryente bago ang pagsalubong sa Pasko.

Dagdag ng kalihim na 98 porsyento na ng mga winasak na komunidad ni Yolanda matapos itong humambalos noong Nobyembre 8 ang may kuryente na.

“We are on track, bagama’t may nagdududa,” sabi ni Petilla sa isang panayam sa telebisyon.

Paliwanag pa ng kalihim na ilan sa mga barangay ay may supply na ng kuryente ngunit ang kinakailangang masigurong ligtas ang isang bahay bago hayaang makagamit nito.

"Kung wala pang bubong ang bahay mo talagang imposible kang mapailawan. Only those na talagang naaprubahan ng Bureau of Fire Protection and pwede natin lagyan ng ilaw," sabi ni Petilla sa isang ulat sa 24 Oras ng GMA7.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EASTERN VISAYAS

ENERGY SECRETARY CARLOS JERICHO PETILLA

KURYENTE

NOBYEMBRE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PASKO

PETILLA

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with