Roxas pinatutugis ang mga pumatay sa Zambo mayor
MANILA, Philippines – Pinatutugis ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ngayong Biyernes ang mga nasa likod ng pananambang sa alkalde ng Zamboanga del Sur at mga tatlo pang iba.
"Inatasan ko na ang pamunuan ng Philippine National Police na huwag mag-aksaya ng panahon at agad na tugisin ang mga salarin para papanagutin sila sa batas," pahayag ni Roxas.
Pinatumba si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, asawang si Lea Taalumo kamag-anak na si Shariff Udin Talumpa at isang 18-buwang gulang na bata na si Phil Tomas.
Muli ring pinaalaala ni Roxas na mas paigtingin ang seguridad sa matataong lugar lalo ngayong panahon ng kapaskuhan.
Kaugnay na balita: Alkalde sa Zambo, sanggol, utas sa pananambang sa NAIA3
"Inulit ko rin sa PNP ang aking direktiba na doblehin ang presensya ng pulis sa lahat ng mataong lugar tulad ng airport, seaport, bus terminal, shopping malls, palengke at simbahan,†banggit ng kalihim.
"Inaasahan ko na hihigpitan ng ating mga pulis ang pagbabantay sa mga pampublikong lugar para masiguro na laging ligtas sa kapahamakan ang ating mga kababayan," dagdag ni Roxas.
- Latest
- Trending