^

Balita Ngayon

Grupo sa gobyerno: Ipagpatuloy ang tulong sa Yolanda victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang grupo ng mga volunteers mula Maynila na ipagpatuloy ng gobyerno ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” sa Eastern Visayas.

Inaasahang darating ang grupo na may 80 miyembro ngayon sa pinakamatinding tinamaan ni Yolanda ang lungsod ng Tacloban kasabay ang panawagan sa Department of Social Welfare and Development na palawigin pa ang tulong na nakatakdang magtapos hanggang Disyembre 31.

Sinabi noon ng DSWD na tanging mga pamilyang walang kakayahang makabangon ang kanilang bibigyan ng mga pagkain, habang ang iba ay bibigyan ng mapagkakakitaan.

Ang naturang grupo ang nagsasagawa ng taunang Paskuhang Paslit, at ngayon ay idaraos nila ito sa bayan ng Palo at Barugo sa Leyte.

Magsasagawa rin sila ng candle-lighting activity para sa pag-alala sa mga nasawi ng bagyo na tumama noong Nobyembre 8.

Isasagawa ang Paskuhang Paslit sa Palo, Leyte bukas, Disyembre 18, at sa Barugo, Leyte naman sa kamakalawa.

BARUGO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DISYEMBRE

EASTERN VISAYAS

INAASAHANG

ISASAGAWA

LEYTE

PALO

PASKUHANG PASLIT

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with