^

Balita Ngayon

Comelec 'di binigyan ng due process ang 422 opisyal - election lawyer

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagkaitan ng “due process” ng Commission on Elections ang 422 nanalong kandidatong nais nilang bumaba sa puwesto dahil sa hindi pagbibigay ng kumpleto at tamang Statement of Contributions and Expenditures (SOCEs), ayon sa isang election lawyer.

Sinabi ng abogadong si Romulo Macalintal sa isang panayam sa radyo, dapat ay inabisuhan muna ng Comelec ang kanilang mga inirereklamo bago ito idineretso sa Department of Interior and Local Government (DILG) at kay House Speaker Sonny Belmonte Jr.

"Para sa akin, ang dapat sana ay hindi sa DILG sumulat o kaya sa Kongreso kung hindi sa individual candidates para nandoon yung tinatawag nating due process," pahayag ni Macalintal ngayong Biyernes.

Nakasaad sa Synchronized Election Law, kinakailangan muna maghain ng tama at kumpletong SOCE ang bawat kandidato bago umupo sa napanalunang posisyon.

Humingi ng tulong ang Comelec sa DILG at kay House Speaker noong Nobyembre 27 sa pamamagitan ng sulat upang pababain sa puwesto ang 422 opisyal kabilang sina Batangas Governor Vilma Santos at dating Pangulo at ngayo’y Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo

Kaugnay na balita: Vilma Santos, GMA pinagbibitiw ng Comelec sa puwesto

"They are supposed to notify these incumbent officials who have assumed erroneously and tell them to vacate their positions in the meantime that they are complying with the requirements," sabi ni Brillantes kahapon.

Pero sinabi ni Belmonte na kahapon lamang din niya nalaman ang nais mangyari ng Comelec.

Iginiit ni Santos na naghain siya ng tamang papeles at nakatanggap pa nga ng certificate of compliance mula sa Comelec.

Kaugnay na balita: Ate V, GMA sa Comelec: Nagpasa kami ng tamang SOCE

Aniya nagulat sila sa naging panawagan ng Comelec dahil hindi naman sila inabisuhan kung may mali o kulang sa kanyang SOCE.

"If there was a problem they should have informed me so that I could make the necessary correction,” she said.

vuukle comment

ATE V

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

COMELEC

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE JR.

KAUGNAY

ROMULO MACALINTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with