^

Balita Ngayon

P2.264T national budget aprubado sa bicam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay aprubado ang national budget para sa susunod na taon sa unang pagpupulong ng mga mambabatas ngayong Martes.

Lusot sa bicameral conference sa Senado ang P2.264 trilyon national budget, mas mababa ng P3.2 bilyon kumpara sa iminungkahi ng Palasyo na P2.268 trilyon na inaprubahan naman ng Kamara nitong nakaraang Oktubre.

Lumusot sa pangatlo at huling pagbasa ang naman ng Senado ang pondo noong Nobyembre 26 matapos bumoto ang 16 na senador pabor sa 2014 national budget na walang pagkuwestiyon.

Kaugnay na balita: 2014 budget lusot sa Senado

Tinanggal sa national budget ang pork barrel ng 15 senador at kay bise-presidente Jejomar Binay.

Kabilang sa 2014 budget ang P100 bilyong gagamitin para sa pagsasaayos ng mga winasak ng mga kalamidad, partikular ang bagyong “Yolanda” nitong nakaraang buwan at ang magnitude 7.2 na lindol sa Bohol.

BOHOL

BUDGET

JEJOMAR BINAY

KABILANG

KAMARA

KAUGNAY

LUMUSOT

LUSOT

NOBYEMBRE

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with