^

Balita Ngayon

Pagbebenta ng ilang politiko ng donasyon mula UK, sisiyasatin - NDRRMC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes sa publiko na maghain ng pormal na reklamo sa kanilang opisina kung mayroong nalalaman sa umano’y pagbebenta ng mga donasyon mula sa United Kingdom.

Sinabi ni NDRRMC spokesman Maj. Rey Balido na wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo sa sinasabing pagbebenta ng ilang politico ng mga tulong mula sa UK.

“We are awaiting the official complaint so we can start doing the necessary steps and so that we can investigate these kinds of incidents,” pahayag ni Balido sa mga mamamamhayag sa Camp Aguinaldo.

Sinang-ayunan naman ni Armed Forces public affairs chief Lt. Col. Ramon Zagala ang panawagan ni Balido sa publiko.

“If there is any wrongdoing especially in the delivery of relief and we know something about it is just proper that we call attention to our law enforcement officials so that we can correct it,” banggit ni Zagala.

“What is at stake here is not just those who are doing wrongdoing but us as a people because this reflects us especially now,” dagdag niya.

Inamin ni Balido na magiging masama ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa sa mga kumakalat na balita.

Iniulat ng pahayagang The Daily Mail na ibinebenta ng mga corrupt na politiko ang mga donasyon na para sana sa mga biktima ng bagyong “Yolanda.”

Dagdag ng ulat na sa maging ang donasyong perang aabot sa £60 million ay hindi nakararating sa mga Yolanda victims.

Isang expatriate pa nga umano na nagngangalang Keb Darge ang nakatatanggap ng mga death threats matapos pigilan ang mga politiko sa kanilang ilegal na gawain.

“The aid isn’t getting through to where it’s needed. I’ve seen the deliveries arrive and I’ve seen them disappear,” sabi ni Darge sa The Daily Mail.

“The situation isn’t going to improve unless there’s an investigation. Someone needs to go and find out exactly what is happening,” dagdag ng Briton.

Sinabi naman ni Balido na kaya nilang tiyakin ang kaligtasan ni Darge.

“Of course, when necessary. The agencies of the government like the NBI (National Bureau of Investigation) are there,” sagot ng tagapagsalita.

“We have to give attention to this because it does not create a good image for us,” dagdag ni Balido.

 

ARMED FORCES

BALIDO

CAMP AGUINALDO

DAILY MAIL

KEB DARGE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

RAMON ZAGALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with