Mayor Romualdez: Tacloban hindi nakatanggap ng tulong sa gobyerno
MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na hindi sila nakakuha ng agarang tulong mula sa gobyerno matapos hagupitin ng bagyong Yolanda ang kabisayaan nitong nakaraang buwan.
Sinabi ni Romualdez ngayong Lunes sa Congressional post-disaster assessment na ilang beses silang nakiusap na bigyan sila ng security at rescue efforts ngunit ilang beses din silang binigo ng gobyerno.
Dagdag ng alkalde na humiling siya ng karagdagang puwersa ng mga pulis matapos magkaroong ng looting dahil sa labis na kagutuman ng mga biktima ng bagyo.
"I was asking police force of Tacloban City to be augmented, and yet, hindi na-augment yung security ng Tacloban City, Tinanggal pa yung chief of police,†pahayag ni Romualdez tungkol kay Eastern Visayas Police Chief Superintendent Elmer Soria na sinibak sa puwesto matapos sabihing pinangangambahang aabot sa 10,000 ang namatay.
Sinabi pa ni Romualdez na imbis na tulungan ay pinagawa siya ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ng ordinansa na nagsasaad na hindi na kayang patakbuhin ng lokal na pamahalaan ang lungsod.
"[Secretary Roxas] asked me and told me that we have to legalize everything here. Then I asked him what is to legalize here. ‘Well this is a gray area that the national government is coming here and doing all this,’" kuwento ng alkalde.
Dagdag ni Romualdez na hindi niya maintindihan kung bakit ayaw silang suportahan ng gobyerno gayong parte naman sila ng Pilipinas.
Kaugnay na balita: Alkalde ng Tacloban walang paki kung paimbestigahan ni PNoy
Aniya sinabihan siya ni Roxas ng: "You have to remember: we have to be very careful because you are a Romualdez and the president is an Aquino."
"Kung kaya ng police at military na ma-secure ang President, bakit 'di kami nabigyan ng security para ma-secure ang siyudad?" kuwento pa ni Romualdez.
Dahil dito ay hihingan ng tugon sina Senator Antonio Trillanes IV said Roxas sa mga paratang ni Romualdez sa susunod na pagdinig.
Aabot na sa 6,000 katao ang kumpirmadong nasawi sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon na tumama noong Nobyembre 8.
- Latest
- Trending