^

Balita Ngayon

P700K halaga ng shabu huli sa 2 suspek sa Iloilo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines- Tiklo ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos mahulihan ng mahigit P700,000 na halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Iloilo nito Lunes.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. ang mga arestadong suspek na sina Orlando Prado, 38 at Michael Capero, 24, kapwa residente ng Iloilo City.

Nakuha sa dalawang suspek ang mahigit 87 gramo ng shabu na may tinatayang halagang P745,267.

Ayon kay Cacdac, tiklo ang dalawang suspek sa aktong pagbibili ng shabu sa isang PDEA undercover agent bandang 5:50 ng hapon nitong Lunes.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

AYON

CACDAC

CACDAC JR.

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

ILOILO

ILOILO CITY

KINILALA

MICHAEL CAPERO

ORLANDO PRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with