^

Balita Ngayon

P19.2-M tulong sa Yolanda victims mula Vietnam war veterans

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpadala na rin ng tulong ang mga tinaguriang "boat people" ng Vietnam para sa mga nasalanta ni super typhoon Yolanda (Haiyan) sa Visayas.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos, nagbigay ng inisyal na tulong na $440,554 (P19.2 milyon) ang mga kinatawan ng Ben Em Dang Co Ta Foundation, Saigon Broadcasting Television Network (SBTN), at Vietnamese Refugees for Philippines (VR4P) para sa mga biktima ng super bagyo.

Sinabi ni Philippine Ambassador Jose Cuisia Jr., ang tulong mula sa tatlong grupo ay ibinigay sa US-Philippine Society at sa Philippine Red Cross.

Ayon kay Cuisia, ang naturang halaga ay mula sa pinagsama-samang donasyon ng 400,000 na Vietnam war refugees na tumakbo at kinupkop ng mga Pilipino sa Bataan at Palawan sa kasagsagan ng Vietnam war may 30 taon na ang nakalilipas.

Sa panig ni Dieu Quyen Nguyen, Executive Director ng Ben Em Dang Co Ta Foundation, hindi malalagpasan ng kanilang mga kababayan ang hirap na dinanas noong panahon ng digmaan kung hindi dahil sa tulong ng mga kapitbahay nila sa Asya, kabilang na ang Pilipinas.

“This is a very touching gesture from a people who said they never forgot how they were treated kindly by Filipinos who instead of pushing them back to sea, even pulled their boats ashore to help them,” ani Cuisa.

“I am also grateful that our government in the past opened our doors to you,” dagdag ni Cuisia.

AYON

BEN EM DANG CO TA FOUNDATION

CUISIA

DIEU QUYEN NGUYEN

ESTADOS UNIDOS

EXECUTIVE DIRECTOR

PHILIPPINE AMBASSADOR JOSE CUISIA JR.

PHILIPPINE RED CROSS

PHILIPPINE SOCIETY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with