5,680 na patay, 1,779 pa nawawala kay 'Yolanda'
MANILA, Philippines - Umakyat na sa 5,680 ang bilang ng mga nasawi sa paghahupit ng bagyong "Yolanda" sa Visayas, ayon sa state disaster response agency ngayong Martes.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na patuloy pa rin ang pag-akyat ng bilang ng mga kumpirmadong patay dahil sa walang tigil na search and retrieval operations.
Pero dagdag ng NDRRMC na 1,779 na katao pa rin ang nawawala matapos tumama si Yolanda noong Nobyembre 8.
Karamihan ng mga nasawi sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon ay mula sa probinsya ng Samar at Leyte.
Nananatili naman ang bilang ng nasaktan ni Yolanda sa 26,233, ayon pa sa NDRRMC.
Samantala, higiht 871,000 pamilya o higit apat na milyong katao ang nasalanta ng bagyo, kung saan 125,000 dito ay nananalagi pa rin sa 426 evacuation centers.
Umabot na rin sa P871.4 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot sa mga biktima ni Yolanda sa regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11, at Caraga.
Nagmula ang tulong sa gobyerno at iba't ibang pribadong grupo.
- Latest
- Trending