12 kaso ng HIV sa Puerto Princesa
MANILA, Philippines – Labin-dalawang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang kinumpirma ng City Health Office (CHO) ng Puerto Princesa City, Palawan sa patuloy na paghahanap ng mga may sakit upang matulungan.
Sinabi ni CHO chief Dr. Juancho Monserate na nakuha ng mga may HIV ang sakit dahil sa “unprotected†sexual activities.
"Yes, we have recorded 12 HIV cases in Puerto Princesa, and they are males who have engaged in unprotected sexual activities with males also," sabi ni Monserate sa panayam ng Philippine News Agency.
Dagdag ng doktor na pinayuhan nila ang 12 may sakit, na pawang mga lalaki, na tumungo sa San Lazaro Hospital sa Maynila upang libreng matignan ng mga eksperto.
"Since we have no facility for them here, we referred them to the San Lazaro Hospital, where they can seek better intervention for their HIV conditions," ani Monserate.
Pawang mga Pilipino ang naitalang may HIV at wala sa kanila ang sex worker sa lungsod.
Sinabi pa ni Monserate na sila mismo ang naghahanap sa mga may HIV upang matulungan.
"Active finding means we really go out to look for them; not wait for them to come to our office to be examined," banggit ni Monserate.
"We know there are more cases; maybe they are just embarrassed to go to us to seek intervention. We want to help them, and they can come to us so we can explain to them their condition.â€
- Latest
- Trending