^

Balita Ngayon

Anne Curtis humingi ng sorry matapos malasing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humingi na ng paumanhin ang Kapamilya actress Anne Curtis matapos ang kanyang sa pananampal at paninigaw sa isang bar sa Taguig City.

Idinaan ni Anne ang pag-sorry sa kanyang mga nasaktan sa pamamagitan ng micro-blogging site na Twitter ilang oras matapos ilabas ng entertainment website na  Philippine Entertainment Portal ang ginawang iskandalo.

Iniulat ng PEP.ph base sa kuwento ng isa sa mga sinampal ni Anne na si JR Isaac ang nangyari noong Nobyemrbe 23 sa Prive luxury club sa Bonifacio Global City Taguig.

Sinabi ni Isaac na nag-init ang ulo ng lasing na si Anne matapos may kumatok sa banyo at pagkalabas ay pinagsasampal sila nina John Lloyd Cruz at saka sinigawan si Phoemela Barranda.

Kaugnay na balita: John Lloyd at iba pang sosyalera nakatikim ng bagsik Anne nanampal daw, nairita nang katukin sa CR

Dagdag niya na sinigawan ni Anne si John Lloyd ng “You are an addict!” bago binastos si Phoemela at sinabing 'I can buy you, your friends, and this club!”

Inamin naman ni Anne na nalasing siya noong mangyari ang insidente dahil  epekto na rin ng kanyang diet.

 â€œI'm sorry if I let any of my fans down.... As you all see, I'm just like any other person that makes mistakes in life...” pahayag ni Anne sa Twitter.

“Thank you to everyone that has messaged me about their support. With where I am today I owe all of you my honesty.”

 

vuukle comment

ANNE

ANNE CURTIS-SMITH

ANNECURTISSMITH

BLOCKQUOTE

COM

JOHN LLOYD

SCRIPT

TWITTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with