^

Balita Ngayon

Angel sa hiwalayan nila ni Phil: 'Wala naman tayong choice, but to move on'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tanggap na ni Kapamilya actress  Angel Locsin ang kanilang paghihiwalay ng national football player Phil Younghusband.

Sinabi ni Angel kahapon na wala na namang siyang magagawa kung hindi ay harapin ang katotohanan na tapos na ang masayang relasyon nila ni Phil.

“Patuloy ang buhay—kahit nasaktan, kahit gumagapang,” pahayag ng Kapamilya. “Wala naman tayong choice, di ba, but to move on.”

Sinabi pa ng 28-anyos na artista na kailangan lamang muling tumayo mula sa pagkakadapa.

“Siguro nga, yung iba mas mabigat pa yung pinagdadaanan kumpara sa pinagdadaanan natin kaya wala naman tayong choice kundi i-accept,” dagdag niya.

Noong Oktubre 2012 ay kinumpirma ni Angel sa kanyang Twitter account ang isang taong relasyon nila ni Phil, kaya naman naisip nila na sabihin ang paghihiwalay sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng micro-blogging site.

 â€œSiguro, utang na rin namin yun sa mga sumuporta sa amin sa Twitter di ba, kasi doon nga nagsimula ang lahat at nasubaybayan nila ang relasyon namin,” kuwento ni Angel na unang inaya ni Phil sa isang Valentine date noong 2011.

“Natagalan lang kami kasi kahit sa amin, di pa nagsi-sink in. Tulala pa kami, nag-uusap pa naman kami. Pero naunahan kasi ng mga balita,” dagdag ng artista.

Pero nanatiling tikom ang bibig ni Angel sa tunay na dahilan ng kanilang break-up.

ANGEL LOCSIN

KAPAMILYA

NATAGALAN

NOONG OKTUBRE

PATULOY

PERO

PHIL YOUNGHUSBAND

SIGURO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with