Kobe Bryant sa bagong kontrata: 'Laker4Life'
MANILA, Philippines – “Laker4Life†Ito ang simpleng pahayag ng NBA superstar Kobe Bryant matapos siyang pumirma ng panibagong dalawang taong kontrata ngayong Martes.
Kasamang pumirma ni Bryant ang team owner Jim Buss, general manager Mitch Kupchak at agent Rob Pelinka.
#Laker4Life pic.twitter.com/1hqyMllnoy
— Kobe Bryant (@kobebryant) November 25, 2013
“This is a very happy day... We’ve said all along that our priority and hope was to have Kobe finish his career as a Laker," sabi ni Kupchak na inihayag ng official Twitter account ng Lakers.
"To play 20 years in the NBA, and to do so with the same team, is unprecedented, and quite an accomplishment," dagdag ng general manager.
BREAKING: The #Lakers and @kobebryant agree to terms on a contract extension. #GoLakers pic.twitter.com/1JiXnrTJ3h
— Los Angeles Lakers (@Lakers) November 25, 2013
Kung walang magiging problema ay si Bryant ang magiging longest tenured player with one team sa kasaysayan ng NBA na 20 taon.
Ang dating Utah Jazz guard na si John Stockton ang may hawak ng record na 19 taon.
Sa ngayon ay nagpapagaling pa rin ang dating MVP matapos maoperahan ang kanyang paa nitong Abril.
Inaasahang makakabalik sa hardcourt si Bryant ngayong Disyembre kung saan makakalaro niya muli ang mga tropang sina Pau Gasol at Steve Nash.
- Latest
- Trending