^

Balita Ngayon

Donasyong pera sa 'Yolanda' survivors ninakaw sa simbahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pinatawad ng mga magnanakaw pati ang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” matapos nila itong nakawin sa isang simbahan sa Agusan del Sur, ayon sa mga awtoridad ngayong Biyernes.

Sinabi ng Philippine National Police na dumulog sa kanila ang kura paroko ng Carmelite Convent of the Sacred of Jesus Christ na si Father Artemio Jusayan malamang napagnakawan sila.

Ayon sa pari bandang 6:30 ng umaga ng Huwebes nila napansing nalooban sila ng mga masasamang loob.

Binasag ng mga magnanakaw ang salaming bintana ng simbahan upang makapasok sa cashier at finance office kung nasaan ang perang donasyon para sa Yolanda victims.

Kaagad namang nadakip ang isang menor de edad na suspek na itinuro ang isang “Paquito” bilang kanyang kakuntsaba.

Dinala na ang suspek sa pangangalaga ng San Francisco Municipal Social Work and Development Office.

AGUSAN

AYON

BINASAG

BIYERNES

CARMELITE CONVENT OF THE SACRED OF JESUS CHRIST

DINALA

FATHER ARTEMIO JUSAYAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN FRANCISCO MUNICIPAL SOCIAL WORK AND DEVELOPMENT OFFICE

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with