Basketball isa sa mga libangan ng 'Yolanda' survivors
MANILA, Philippines – Sa kabila ng pinsalang dulot ng pananalasa ng bagyong “Yolanda†sa Visayas, na nag-iwan ng libu-libong patay at bilyong halaga ng mga sirang ari-arian, unti-unti nang bumabangon ang mga nakaligtas sa trahedya.
Muling nagsisimula ang mga nasalantang residente, mula sa pagtatayo ng mga masisilungan hanggang sa paghahanap ng makakain. Ngunit kapag napagod, isa sa mga pinagkakalibangan ng mga survivor ngayon ay ang paglalaro ng basketball.
Hindi lingid sa kaalamanan ng mundo ang pagkahilig ng mga Pinoy sa basketball kaya naman kahit binagyo ng problema ay pinatunayan ng mga survivor na kailangan lamang ituloy ang buhay.
(AP/David Guttenfelder)
(AP/Aaron Favila)
(AP/David Guttenfelder)
(AP/David Guttenfelder)
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules ay nasa 4,011 katao na ang kumpirmadong patay, habang 18,557 ang sugatan, at 1,602 pa ang nawawala.
Kilala ang mga Pilipino bilang mga palangiti at masayahin kahit may kinakaharap na problema at isa lamang itong patunay na kayang tumayo ng bawat Pilipino mula sa matinding pagkakalugmok.
- Latest
- Trending