Japan magpapadala ng 1,000 sundalo sa Pinas
MANILA, Philippines – Magpapadala ang gobyerno ng Japan ng 1,000 sundalo upang tumulong sa relief efforts sa Visayas para sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda†nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni Japanese Defense Minister Itsunori Onodera na si Prime Minister Shizo Abe ang mismong nag-utos na tumulak ang 1,000 tauhan ng Japan Self-Defense Forces (SDF) sa mga nasalanta ng bagyo.
"We are preparing for large-scale assistance in the transport of supplies, which is expected to be needed there," banggit ni Onodera.
Ito na ang pinakamalaking grupo na ipapadala ng Japan sa labas ng kanilang bansa.
Kabilang sa mga ipapadala ng Japan ang tatlong warships, eroplano at helicopter.
Samantala, nagpadala na rin ang Estados Unidos ng humanitarian assistance, barko, at eroplano upang makatulong din sa Pilipinas.
Iba’t ibang bansa na rin ang nagpaabot ng tulong tulad ng perang donasyon at mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima tulad ng pagkain at tubig.
- Latest
- Trending