'Zoraida' humampas sa Davao Oriental
MANILA, Philippines - Lumapag na sa kalupaan ng Caraga, Davao Oriental ang bagyong "Zoraida" ayon sa state weather bureau ngayong Martes ng umaga.
Sinabi ng PAGASA na bandang alas-9 ng umaga humampas sa kalupaan ang pang-25 na bagyo ngayong taon.
Taglay pa rin ni Zoraida ang lakas na 55 kilometers per hour habang gumagalaw sa bilis na 30 kph.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal 30 lugar sa katimugang bahagi ng Pilipinas, dagdag ng weather bureau.
Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang mga lugar na pinalolooban ng 300-kilometer diameter ng pang-25 na bagyo ngayong taon.
Pinag-iingat ang mga residenteng nakatira malapit sa kabundukan sa maaaring pagragasa ng baha o pagguho ng lupa.
Kabilang ang mga sumusunod na lugar na may storm signal no.1:
Luzon
Cuyo Island
Northern Palawan
The Calamian Group
Visayas
Siquijor
Southern Cebu
Bohol
Negros Oriental
Negros Occidental
Antique
Iloilo
Guimaras
Mindanao
Dinagat Province
Siargao Island
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Davao Oriental
Compostela Valley
Davao del Norte
Samal Island
Bukidnon
Misamis Oriental
Misamis Occidental
Lanao del Norte
Lanao del Sur
North Cotabato
Camiguin Island
Northern Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur
Inaasahang nasa 123 kilometro timog timog-kanluran ng Iloilo City si Zoraida bukas at 517 kilometro kanluran ng Coron, Palawan sa Huwebes ng umaga.
Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang pangatlong bagyo ngayong buwan sa kamakalawa ng hapon.
- Latest
- Trending