Arnold Clavio ipinatawag ng MTRCB
MANILA, Philippines – Ipinatawag na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si GMA 7 news anchor Arnold Clavio dahil sa umano’y pambabastos sa kanyang panayam sa morning show na Unang Hirit.
Sinabi ng MTRCB na “offensive†sa mga makakapanood na bata ang kanyang naging panayam sa abogado ni Janet Lim Napoles na si Alfredo Villamor.
"MTRCB to hear matter of alleged rude language in 5 Nov Unang Hirit episode this Monday am," pahayag ng MTRCB sa kanilang Twitter account.
Dahil dito ay muling nagpaalaala ang MTRCB na mag-ingat sa mga ipinalabas lalo kung Parental Guidance ang rating na kanilang ibinigay.
"Per MTRCB records Unang Hirit is a public affairs program and has a PG rating ... Young people are part of its audience," dagdag nila.
Hindi rin naman ikinatuwa ng Media watchdog Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) ang naging ugali ni Clavio sa kanyang panayam.
"An interview is in the first place meant to solicit information and opinion from the interviewee, not an occasion for the interviewer to insist on his own views, much less berate the interviewee, who, in this instance, was moved by the ethics of the legal profession not to comment on a case other lawyers are presumably involved in," pahayag ng CMFR noong kamakalawa.
Una nang binatikos ng CMFR si Clavio para sa kanyang “racist†na komento sa mga miyembro ng national football team na mas kilala sa tawag na “Azkals.â€
Samantala, nagpaliwanag si Clavio kahapon at sinabing lumampas siya sa kanyang limitasyon.
"Sa sidhi kong malaman ang balita, inaamin ko po na lumampas ako sa aking limitasyon at humihingi ako ng unawa kung may nasabi man ako na wala sa lugar," sabi ni Clavio.
- Latest
- Trending