^

Balita Ngayon

Napoles naaawa sa mga 'nadawit' na mambabatas

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng umano’y mastermind sa pork barrel scam Janet Lim-Napoles ngayong Huwebes ang mga sinumpaang salasay ng mga whistleblower sa pagdinig ng Senado.

Dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersyal na paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel sa unang pagkakataon si Napoles.

Ilan sa mga pinasinungalingan ni Napoles ang pagbibigay ng mga “kickback” sa mga umano’y kakuntsabang mambabatas.

Itinanggi rin ni Napoles ang buong isyu na ginagamit niya ang kanyang mga nongovernment organization upang gamitin sa pangungurakot kabilang ang mga mambabatas.

“Nakakaawa nga yung mga senador na da-drag yung mga pangalan na nadadawit sa isyu,” sabi ni Napoles. “Hindi po ito totoo.”

Sa bawat sagot ni Napoles ng “Hindi poi to totoo” ay “Nagsisinungaling siya” naman ang tugon ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy.

Tinanong naman ni Committee Chairman Teofisto Guingona III si Napoles kung ano ang katotohanan.

“Kung 'di totoo ang sinasabi ng whistleblowers, ano ang totoo?” tanong ni Guingona.

“Hindi ko po alam sa kanila,” sagot ni Napoles.

BENHUR LUY

COMMITTEE CHAIRMAN TEOFISTO GUINGONA

DUMALO

GUINGONA

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with