Roxas pinapasiguro ang kaayusan sa Undas
MANILA, Philippines – Pinasisiguro ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ngayong Miyerkules ang seguridad ng publiko sa pagdagsa ng mga ito sa sementeryo para sa nalalapit na Undas.
Iniutos ni Roxas sa Philippine National Police na mag-full alert upang masiguro ang kaligtasan ng publiko na bibiyahe sa mga probinsya.
Nais rin ng kalihim na magkaroon ng mga barangay tanod at iba pang tagapagpatupad ng batas, at mga medical personnel sa mga sementeryo at iba pang pampublikong lugar.
"The local chief executives should convene their Local Peace and Order Councils to formulate a contingency plan on peace and order and public safety during the observance of All Saints’ Day and All Souls’ Day," pahayag ni Roxas.
"They should see to it that cleanliness and orderliness in cemeteries and other public places before, during and after Undas 2013 shall be maintained,†dagdag niya.
Pinasisiguro rin ni Roxas ang maayos na daloy ng trapiko sa bawat pangunahing lugar ng bansa.
Inaasahang magdaragsaan ang mga patungong probinsya sa Huwebes, sa bisperas ng araw ng mga santo sa Nobyembre 1.
- Latest
- Trending