^

Balita Ngayon

Bagyong 'Vinta' lumalapit sa Aurora, signal no.1 sa 13 lugar sa Luzon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-tatlong lugar na sa Luzon ang nasa ilalim ng public storm warning signal number 1 dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong “Vinta” ngayong Miyerkules.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na huling namataan nila ang bagyo sa 700 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora o 740 kilometro silangan ng Ilagan, Isabela kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ni Vinta ang lakas na 75 kilometers per hour at bugsong aabot sa 22 kph.

Signal number 1 sa:

Cagayan

Calayan Group of Islands

Babuyan Group of Islands

Apayao

Kalinga

Mt. Province

Benguet

Ifugao

Isabela

Aurora

Nueva Vizcaya

Quirino

Nueva Ecija

Inaasahang nasa 280 kilometro silangan ng Ilagan, Isabela si Vinta bukas ng umaga, ayon pa sa PAGASA.

Sa Biyernes ng umaga tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Si Vinta ang pang-22 na bagyo ngayong taon at panlima ngayong buwan ng Oktubre.

BABUYAN GROUP OF ISLANDS

CALAYAN GROUP OF ISLANDS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

ILAGAN

ISABELA

MT. PROVINCE

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SA BIYERNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with