Lumalabag sa gun ban patuloy ang pagtaas - PNP
MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nadadakip na lumalabag sa Commission on Elections gun ban kahit dalawang araw nang tapos ang eleksyon.
Sinabi ng Philippine National Police ngayong Miyerkules na umabot na sa 668 na katao ang kanilang nahuli mula nang ipatupad ang gun ban noong Setymebre 28.
Sa naturang bilang ay 618 ang mga sibilyan, walong pulis, anim na sundalo, pitong opisyal ng gobyerno, 25 security guard at tatlong miyembro ng paramilitary group, dagdag ng PNP.
Nasa 555 na baril naman ang kanilang nakumpiska, 217 matatalim na armas, 68 granada, 290 pampasabog, 20 pekeng baril, at 4,575 na iba't ibang bala.
Ipinapatupad ang gun ban hanggang Nobyembre 12 o 15 araw matapos ang halalang pambarangay.
Samantala, sinabi ni Senior Superintendent Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP chief, naka full alert na ang buong kapulisan para sa Undas.
- Latest
- Trending