'Vinta' lumakas; signal no.2 sa 6 na lugar
MANILA, Philippines – Patuloy ang paglakas ng bagyong “Vinta†habang papalapit ito sa kaduluhan ng Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa 610 kilometro silangan ng Ilagan, Isabela o 645 kilometro silangan ng Tugegarao City kaninang alas-4 ng hapon.
Taglay ng pang-22 bagyo ang lakas na 85 kilometers per hour at bugsong aabot sa 100 kph.
Nakataas ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 2
Cagayan
Calayan Group of Islands
Babuyan Group of Islands
Isabela
Kalinga
Apayao
Signal No. 1
Ilocos Norte
Mt. Province
Abra
Ilocos Sur
La Union
Benguet
Ifugao
Nueva Vizcaya
Quirino
Aurora
Pangasinan
Nueva Ecija
Batanes Group of Islands
Gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran ang bagyo sa bilis na 23 kph at inaasahang nasa 130 km silangan ng Tugegarao City ng Huwebes ng hapon.
Sa pagtataya ng PAGASA ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes.
- Latest
- Trending