^

Balita Ngayon

Poll volunteer sinapak ni Kap - PPCRV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suntok ang inabot ng isang election volunteer mula sa isang kapitan ng barangay sa Maguindanao, ayon sa pinuno ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ngayong Lunes.

"Sinuntok ('yung volunteer) kasi pinapagsabihan lang siya na pagkapatapos niyang bumoto, to please go... Nagalit siya, sinuntok," bulalas ni PPCRV chair Henrietta de Villa sa isang panayam sa telebisyon.

Sinabi ni de Villa na gagawan nila ng official report ang insidenteng idinulog sa kanila at ibibigay sa Commission on Elections.

Binalaan na ni Comelec Commissioner Luie de Guia ang mga opisyal ng barangay na maaari lamang pumasok sa mga presinto kapag boboto at kailangang lumabas kapag tapos na.

"They could not stay inside the classroom longer than the time that it would take them to vote," sabi ni.

Samantala, nakapagtala na rin ang PPCRV ng mga insidente ng pagpasok ng mga opisyal ng barangay at mga kandidato sa loob ng mga presinto na mahigpit na ipinagbabawal.

"They can only go in if they vote. But other than that, they have no right at all to stay inside," banggit ni de Villa.

Sinabi pa ni de Villa na sindumi na ng national elections ang barangay polls kahit ito’y maliit lamang.

"It has become just like the way our (national) elections go. It has become a money-matter already," pahayag ni de Villa.

Kaugnay na balita: Barangay polls sindumi ng national elections - PPCRV head

“The violence has really escalated. Vote-buying, too, and sadly, even vote-selling," dagdag niya. "By baranggay na talaga. Nakakalungkot."

BARANGAY

BINALAAN

COMELEC COMMISSIONER LUIE

GUIA

HENRIETTA

KAUGNAY

MAGUINDANAO

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with