^

Balita Ngayon

Pasaporte nina Enrile, Revilla, Estrada pinapakansela ng DOJ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ng Deparment of Justice ngayong Huwebes na kanselahin ang mga pasaporte nina Senador Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla Jr., kaugnay ng kanilang mga kasong pandarambong sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ng DOJ na lahat ng 37 respondents sa kasong plunder at malversation of public funds na may kaugnay sa bilyun-bilyong pork barrel scam ay kabilang sa mga pinakansela ang pasaporte.

Kasama sa listahan ang dating chief of staff ni Enrile na si Jessica “Gigi” Reyes, Ruby Tuason, at ang itinuturong nasa likod ng scam na si Janet Lim-Napoles.

Pero bago pa man maisampa ng DOJ ang kaso noong Setyembre 16 ay nakalabas na ng bansa si Reyes patungong Macau, habang si Tuason naman ay umalis ng Pilipinas noong Agosto, at si Napoles ay nakakulong sa Fort Sto. Domingo dahil sa kasong serious illegal detention.

Kabilang din sa mga pinapakansela ang pasaporte ay pawang mga dating mambabatas na sina Rololfo Plaza, Samuel Dangwa at Constantino Jaraula.

Nauna nang inihayag ni De Lima ang planong pagkakansela sa mga pasaporte ng mga naturang respondents sa kaso upang masigurong hindi sila makakalabas ng bansa.

"I'm carefully reviewing the draft which was on my desk already. But I do intend to send it as soon as possible, hindi nga lang aabot ngayon, so baka tomorrow," pahayag ni De Lima kahapon tungkol sa pagkansela ng mga pasaporte.

Sa ilalim ng Philippine Passport Act nakasaad na maaari lamang kanselahin ang pasaporte ng isang Pilipini kung siya ay tumatakas sa batas, may kinakaharap na kasong criminal, at nakuha sa hindi wastong paraan ang pasaporte.

 

BUT I

CONSTANTINO JARAULA

DE LIMA

DEPARMENT OF JUSTICE

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PASAPORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with