Higit .5M COC ng barangay polls inihain sa Comelec
MANILA, Philippines - Higit kalahating milyon ang naghain ng kanilang certificate of candidacy, ayon sa poll body ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Commission on Elections commissioner Grace Padaca na 524,870 katao na ang nais tumakbo para sa barangay elections na gagawin sa Oktubre 28.
Sa naturang bilang ay 57,674 COC sa pagka-kapitan ng barangay ang inihain nitong Oktubre 11, 12, at 14.
Umabot naman sa 467,196 ang tatakbo bilang kagawad ng barangay, dagdag ng Comelec.
Certificates of candidacy filed oct 11,12 and 14 Barangay Kapitan 57,674 Barangay Kagawad 467,196
— grace padaca (@gracempadaca) October 16, 2013
Hanggang sa Huwebes na lamang maaaring maghain ng COC.
Idineklara ng Pangulong Benigno Aquino III ang Oktubre 28 bilang holiday upang makaboto ang publiko.
Kamakailan lamang ay nilagdaan ni Aquino ang batas upang ipagpaliban ang halalan ng Sanggunian Kabataan.
- Latest
- Trending