Bagyong 'Tino' walang direktang epekto sa Pinas
MANILA, Philippines – Walang direktang epekto ang bagyong “Tino†sa Pilipinas ngunit magdudulot ito ng pulu-pulong pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes ng umaga.
Namataan ng PAGASA ang bagyo, na may international name na “Wipha†sa 1,210 kilometers silangang hilaga-silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-10 ng umaga.
May lakas si Tino na 195 kilometers per hour at bugsong aabot sa 190 kph, habang gumagalaw ito pa-hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.
Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan ng bansa na may pulu-pulong pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.
Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Metro Manila at Palawan, ayon pa sa PAGASA.
Inaasahang lalabas din ng Philippine Area of Responsibility ang pang-20 bagyo ngayong taong 2013 bukas ng umaga.
Nitong nakaraang Sabado lamang ay 13 katao ang iniwang patay ng bagyong “Santi.â€
- Latest
- Trending