^

Balita Ngayon

Ex-DOTC chief Leandro Mendoza pumanaw na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumanaw na si dating Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Leandro Mendoza ngayong Lunes sa edad na 67.

Inatake sa puso ang dati ring hepe ng Philippine National Police kaninang madaling araw sa isang ospital sa Taguig City.

Nagsilbi rin bilang Executive Secretary noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Si DOTC Undersecretary Thompson Lantion ang nagkumpirma nang pagkamatay ni Mendoza.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay hinimatay si Mendoza habang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan sa Batangas.

Ibuburol ang mga labi ni Mendoza sa Heritage Park sa Taguig.

Noong nakaraang taon din ay idinawit ang dating kalihim sa maanomalyang NBN-ZTE deal at ipinaaresto ng 4th division ng Sandiganbayan.

BATANGAS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EXECUTIVE SECRETARY

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HERITAGE PARK

IBUBUROL

MENDOZA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SECRETARY LEANDRO MENDOZA

TAGUIG CITY

UNDERSECRETARY THOMPSON LANTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with