Oktubre 15 walang pasok - Palasyo
MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Oktubre 15 bilang regular holiday upang gunitain ang Eidul Adha o ang Feast of Sacrifice ng mga Muslim.
Sinabi ni Deputy President Spokesperson Abigail Valte ngayong Biyernes na nilagdaan ni Aquino ang proklamasyon para sa pagdiriwang ng mga Muslim sa bansa.
Noong 2009 pa kabilang ang Eidul Adha sa mga holiday ng Pilipinas sa bisa ng Republic Act 9849.
Pero kinakailangan pa rin ang presidential proclamation dahil nakadepende ang petsa ng pagdiriwang nito sa Islamic calendar.
Bukod sa Oktubre 15, idineklara rin ng Palasyo ang Oktubre 28 bilang special non-working holiday upang bigyang daan ang barangay elections.
Kaugnay na balita: Araw ng barangay elections idineklarang holiday
Pinirmahan ni Aquino ang Proclamation 656 upang maging nationwide holiday ang araw ng eleksyon.
"It is important to give the people the fullest opportunity to participate in the said elections and exercise their right to vote," pahayag ni Aquino.
Nitong nakaraang linggo lamang din ay naglabas ang Malakanyang ng mga listahan ng holiday para sa taong 2014.
Kaugnay na balita: Listahan ng mga holiday sa 2014 inilabas ng Malakanyang
- Latest
- Trending