^

Balita Ngayon

'Quedan' lumakas pa pero walang epekto sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy pang lumakas ang bagyong Quedan habang nasa loob ito ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 720 kilometro silangan hilaga-silangan ng Itbayat, Batanes.

May taglay na lakas ang bagyo na 120 kilometers per hour, at bugsong aabot sa 150 kph, habang mabagal ang paggalaw nito pa-hilaga sa pitong kilometro kada oras.

Walang direktang epekto si Quedan sa Pilipinas dahil sa layo nito, ayon pa sa PAGASA.

Inaasahang nasa 600 kilometro hilaga-silangan ng Itbayat, Batanes ang bagyo Bukas ng gabi o tuluyan nang nakalabas ng PAR.

Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan ng Metro Manila na may pulu-pulong pag-ulan.
 

BATANES

BIYERNES

BUKAS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

INAASAHANG

ITBAYAT

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

QUEDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with