P2K medical allowance ng mga guro itinutulak sa Kamara
MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang P2,000 medical allowance para sa mga guro sa pampublikong paaralan ng elementarya at high school bilang karagdagang insentibo sa kanilang maliit na sahod.
Inihain nina A-Teacher party-list Representatives Mariano Piamonte Jr. at Julieta Cortuna ang House Bill 2407 kung saan layunin din ng panukala na madagdagan ito kada limang taon.
Sinabi ni Cortuna na malaking tulong ang panukala sa mga gurong nasa mga liblib na lugar.
“Public school teachers in the countryside often brave rain or shine just to be present in their respective classes. They also have to walk mountains and hills aside from facing harsh and extreme weather conditions in their daily trip to work,†banggit ni mambabatas.
“These circumstances make public school teachers more vulnerable to different types of illnesses and consequently, medical expenses will bite into their meager income,†dagdag niya.
Sinabi naman ni Piamonte na makikinabang din sa panukala ang mga estudyante dahil sila rin aniya ang apektado kapag nagkasakit ang mga guro.
“The medical allowance will be a great help for the teachers in case they need medical attention,†sabi ni Piamonte.
“Neglecting the need for medical allowance will also result in the neglect for the health of both teachers and their students.â€
Sa ilalim ng panukala ay manggagaling ang pondo sa taunang budget ng Department of Education, State Universities and Colleges.
Sakop din ng P2,000 medical allowance ang mga guro sa DepEd Alternative Learning System
- Latest
- Trending