36 miyembro ng MNLF sumuko - AFP
MANILA, Philippines – Sumuko na ang nalalabing 36 na miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nanggulo sa Zamboanga City, ayon sa militar ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, officer in charge of the Armed Forces of the Philippines- Public Affairs Office, bukod sa pagsuko ng mga rebelde ay ibinigay din nila ang 23 matataas na kalibre ng baril.
Pero nagmamatigas pa rin ang MNLF sub commander na si Habier Malik at dalawa pang rebelde, ayon pa kay Cabunoc.
"Malik and at least two buddies refused to surrender despite being abandoned by 35 of his own men today," sabi ni Cabunoc.
Samantala, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na isa sa mga sumuko ang pamangkin ni Nur Misuari na si Enir Misuari.
Mula nang magsimula ang kaguluhan sa lungsod noong Setyembre 9, umakyat na sa 140 katao ang nasawi, 17 ay mga sundalo at pulis.
Umabot naman sa 213 katao, 51 ang sibilyan, ang nadamay at nasaktan sa kaguluhan.
- Latest
- Trending