3 sa Atimonan rubout cops nawawala!
MANILA, Philippines – Naglunsad na ng manhunt operation ang Philippine National Police (PNP) para sa tatlong nawawalang pulis na sangkot sa Atimonan rubout sa probinsya ng Quezon.
Sinabi ni Senior Superintendent Wilben Mayor na pinaghahahanap na ng mga awtoridad sina Superintendent Ramon Balaug, Police Officer 2s Nelson Indal, at Al Bhazar Jailani, na pawang nahaharap sa kasong multiple murder.
Kaugnay na balita: 13 Atimonan rubout cops kinasuhan ng multiple murder
Dagdag ng tagapagsalita na binubo ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang mga naatasan tumugis kina Balaug, Indal at Jailani.
Samantala, umapela si Mayor sa tatlong nagtatagong pulis na sumuko na at harapin ang kasong isinampa sa kanila ng Department of Justice.
"I call on them to come into the folds of the law and let jusice take its course," pahayag ni Mayor.
Nasa kustodiya na naman ng mga awtoridad ang 10 pang sangkot sa pamamaril sa ilang personalidad kabilang ang jueteng kingpin na si Vic Siman noong Enero 6.
"The respondents are presently under restrictive custody by the Headquarters Support Service and are reporting daily for accounting from 6 a.m., 1 p.m., and 10 p.m.," dagdag ng tagapagsalita.
Matapos irekomenda ng DOJ ang multiple murder laban sa 13 pulis, naglabas ng arrest warrant si Judge Maria Chona Pulgar Navarro ng Quezon Regional Trial Court Branch 61.
- Latest
- Trending