^

Balita Ngayon

Signal no.1 itinaas sa Cagayan province

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinaas na ang public storm warning signal number one sa probinsya ng Cagayan dahil sa paglakas ng bagyong “Odette,” ayon sa state weather bureau ngayong Martes.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 820 kilometro silangan ng Tugegarao City kaninang alas-10 ng umaga.

May lakas na 65 kilometers per hour (kph) si Odette at bugsong aabot sa 80 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.

Apektado rin ng signal no. 1 ang Calayan at Babuyan group of Islands.

Sinabi ng PAGASA na palalakasin ni Odette ang hanging Habagat na magdadala ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pagkulog at kidlat sa kanluran at katimugang bahagi ng Luzon at Visayas.

Kaugnay na balita: Bagyong 'Odette' palalakasin ang Habagat

Nauna nang sinabi ni PAGASA weather forecaster Jori Loiz na mananatili ng tatlo hanggang apat na araw ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.

APEKTADO

BABUYAN

BAGYONG

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HABAGAT

JORI LOIZ

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

TUGEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with