^

Balita Ngayon

LPA sa Aurora maaaring maging bagyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa probinsya ng Aurora, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring lumakas ang LPA dahil sa pagdaan nito sa katubigan ng Luzon at magiging bagyo sa loob ng 24 oras.

Namataan ng PAGASA ang sama ng panahon sa 270 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, at kung sakaling maging ganap na bagyo ay papangalanan itong "Odette," ang pang-15 bagyo ngayong taon.

Makakaranas ng pag-ulan na may pagkulog at kidlat ang Metro Manila at iba pang parte ng Luzon, ayon sa weather advisory ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga.

Samantala, sinabi ni PAGASA weather forecaster Meno Mendoza na magiging maulan ang panahon buong linggo kahit hindi maging tuluyang bagyo ang LPA dahil sa hanging habagat.

Dagdag ni Mendoza na pinalalakas pa ng bagyong Manyi na nasa Japan ang hanging habagat kaya naman magdudulot ito ng pag-ulan sa Luzon.

Mahina hanggang malakas na pag-ulan na may pagkulog at kidlat ang mararanasan sa Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon at Mindoro.

AYON

CALABARZON

CASIGURAN

CENTRAL LUZON

DAGDAG

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

LUZON

MENO MENDOZA

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with